SA layuning tiyakin ang maayos na daloy ng trapiko, pumalo sa 7,451 pasaway na motorista ang nasampolan ng Land Transportation Office (LTO) sa kabi-kabilang operasyon sa National Capital Region sa unang bahagi ng kasalukuyang taon.
Kasama ng LTO-NCR field personnel sa mga operasyon kontra ‘kamote drivers’ ang Philippine National Police (PNP), at Department of Public Works and Highways (DPWH).
Sa naturang bilang, 837 ang arestado dahil sa paglabag sa mga probisyon ng Republic Act 4163 (LTO Traffic Code), kabilang ang pagpapatakbo ng mga sasakyang depekto.
Partikular na tinukoy ni LTO-NCR chief Roque Verzosa ang pagmamaneho ng sasakyang hindi gumaganang mga headlight, tail lights, brake system, steering mechanisms, airbags, seat belts, horns, at wiper, bukod sa iba pang maaaring magdulot ng sakuna sa kalsada.
May kabuuang 1,752 drivers ang nahuli dahil sa hindi paggamit ng seat belt device o protective motorcycle helmet, habang 12 din ang inaresto dahil sa paglabag sa RA 10666 o children’s safety sa ilalim ng MC Act.