BAGO pa man ang takdang petsa ng pagdagsa sa EDSA ng mga raliyista para sa isang malawakang kilos-protesta laban sa katiwalian sa pamahalaan, nilusob na ng mga peryodista ang punong himpilan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Camp Crame.
Gayunpaman, nilinaw ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) Press Corps, walang kinalaman sa ikinakasang kilos protesta ang pagdagsa ng mga peryodista.
Anila, courtesy visit lamang ang pakay ng “pagbisita” ng mga peryodista kay CIDG chief Major General Robert Alexander Morico II.
Sa pagharap ng mga mamamahayag, isang pangako ang binitawan ni Morico — na magiging bukas ang pamunuan ng CIDG sa mas malalim na ugnayan sa pagitan ng mga mamamahayag at mga tagapagpatupad ng umiiral na batas.
Pinangunahan Lea Ylagan na tumatayong pangulo ng PNP Press Corps ang mga mamamahayag na nakabase sa PNP Headquarters sa Camp Crame, Quezon City. (EDWIN MORENO)
