TINATAYANG aabot sa 8,000 supporters, kaibigan, kaanak, mga opisyal ng barangay, sectoral representatives at special guests ang dumalo sa “Birthday Pasasalamat” ni former Congressman Jesus “Bong” Suntay sa Amoranto Sports Complex, Quezon City kamakailan.
Ang naturang okasyon ay hindi lamang pagbibigay ng kasiyahan at selebrasyon kundi isa ring taos-pusong pasasalamat sa natatanggap na matibay na suporta ni Congressman Suntay sa mga nakalipas na taon.
Pangunahing tampok sa birthday event ang mainit na pagsasama sa pagitan ni Congressman Suntay at kanyang mga masugid na constituent. Kasama ang kanyang pamilya, mula sa minamahal niyang may bahay at mga anak at mga kapatid, malugod na binalikan at binigyang-pagkilala ang masidhing dedikasyon ng mambabatas sa larangan ng public service at pagbibigay prayoridad sa kapakanan ng mga nasasakupan niyang komunidad.
Kabilang sa mga kilalang personalidad na nagbahagi ng makabuluhang mensahe at inspirasyon hinggil sa uri ng pamumuno ni Congressman Suntay, na nagbigay ng magandang kinabukasan sa marami indibidwal, ay sina Atty. Migs Suntay and Kiko Del Mundo.
Nagdala ng dagdag na kahalagahan sa okasyon ang pagpapaabot ng video message ni Senator Bong Go, na pinuri ang hindi matatawaran dedikasyon ni Congressman Suntay sa larangan ng serbisyo publiko.
Personal din dumalo sa pagdiriwang ni Suntay ang kaalyadong si Sen. JV Ejercito na nagbigay-pagkilala sa ambag ng dating kongresista sa kaunlaran ng ikaapat na distrito ng Quezon City.
Bilang pasasalamat, namahagi naman si Suntay ng cash prize at gift packages sa mga tagasuportang kapuspalad.
Sa kanyang mensahe, nagpahayag si Suntay ng walang hanggang pasasalamat sa lahat ng dumalo, kasabay ng pangakong walang tigil na paglilingkod para sa kapakanan ng minamahal niyang distrito.
“Your support inspires me to keep going. I promise to prioritize the needs of our community and ensure that our district continues to thrive,” aniya.
Samantala, maituturing na star-studded ang “Birthday Pasasalamat” na dinaluhan ng premyadong aktor na si Cesar Montano na naghandog ng musical performance, habang ang isa pang popular celebrity na si Dominique Roque ay nagbigay ng kanyang mensahe nang paghanga sa leadership at community spirit ng former lawmaker.
Hindi naman nagpaiwan ang bandang Callalily na nagpasiklab sa pagdiriwang.
