
LABING-TATLONG matataas na uri ng kalibre ng baril at mga bala ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Anti-Terrorism Section-Regional Intelligence Division, (ATS-RID), Regional Special Operations Group- RID (RSOGRID), National Capital Region Police Office (NCRPO), and Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Angeles CFU gayundin ang Makati City Police Station.
Isa katao ang naaresto na hinihinalang sangkot sa mga illegal na aktibidad.
Sa report ng NCRPO Regional Director, sinabi ni PMGen Jose Melencio Nartatez na nagsagawa ng oeprasyon ang kanyang mga tauhan hanggang madakip ang suspect na si Juanito Tanghal, 56, ng San Isidro, Makati City.
Arestado ito sa aktong bitbit ang mga armas na nakalagay sa garbage bag. Nang sitahin ay tumakas ang suspect ngunit agad nadakip sa gasoline station sa J.P. Rizal corner Calasanz St., Brgy. Olympia, Makati City, noong Nob. 16.
Sinabi ni Nartatez na sa bitbit na aramas ng suspect ay posibleng may ugnayan ito sa mga teroristang gawain, gun for hire at iba pang illegal na aktibidad.