
HINDI na kailangang personal na mapunta sa Quezon City prosecutor’s office si dating pangulong Rodrigo Duterte dahil hindi naman umano ito pipilitin na sagutin ang kasong kriminal na isinampa ni ACT Teachers Rep. France Castro.
Si Duterte, ayon pa sa dating spokesperson Harry Roque, ay makikiisa sa prosesong legal sa korte.
Subalit, ang kasong isinampa ni Castro ay hindi na umano nangangailangan ng personal na pagpunta ng dating pangulo sa Quezon City court. Ang abogado na lamang nito ang haharap, ayon pa kay Roque.
“That’s not a requirement,” sabi ni Roque sa interviews.
“Lawyers can appear especially in the initial hearing to receive a copy of the complaint affidavit, and he can have his affidavit sworn before any public prosecutor even in Davao City,”ayon pa rito.
Nang tanungin kung desidido na si Duterte na hindi magtungo sa korte, sinabi ni Roque na nasa dating pangulo pa rin ang huling deisyon kung pupunta o hindi.
“All that I’m saying is procedurally, he doesn’t have to if he doesn’t want to because he can subscribe to his sworn statement, his counter-affidavit before any public prosecutor,” ayon pa kay Roque.
Hindi rin tahasang sumagot si Duterte nang tanungin kung dadalo sa Quezon City prosecutor.
“Magpakulong na lang ako kasi ino-opppress ako ni France,” sagot lamang nito.