POSIBLENG makalaya anumang sandali ang retiradong television news anchor na si Jay Sonza matapos katigan ng korte ang petition for bail na inihain ng dating brodkaster.
Bukod kay Sonza, pinayagan din ng Pasay City Regional Trial Court Branch 111 ang paglalagak ng piyansa ni Jeffrey Celiz na kapwa akusado sa kasong cyberlibel na inihain kamakailan ng National Bureau of Investigation (NBI).
Nag-ugat ang kaso bunsod ng umano’y pagpapalaganap ni Sonza ng “fake news” hinggil sa umano’y malubhang karamdaman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Garantiya ni Atty. Tolentino, haharapin nina Sonza at Celiz ang kaso.
