SA hangarin isulong ang kaayusan sa bisa ng sabayang pagkilos ng iba’t ibang sektor ng lipunan, inilunsad na rin kamakailan ng Philippine National Police (PNP) ang programang Kasimbayanan – Kapulisan, Simbahan at Pamayanan – sa lungsod ng Caloocan.
Sa ika-pitong anibersaryo ng Metropolitan Bible Baptist Ekklesia Shinon Congregation, pinangunahan nina Bishop Ruben Abante at Manila City Rep. Pastor Bienvenido Abante Jr. ang malugod na pagtanggap sa programa ng lokal na pulisya, kasama ang pamahalaang lungsod ng Caloocan.
Kabilang sa mga dumalo sina Northern Police District director Brig. Gen. Ponce Rogelio Penones na tumayong kinatawan ni PNP Chief Gen. Rodolfo Azurin Jr,; Caloocan City Police Chief Col. Ruben Lacuesta, Caloocan City Mayor Dale ‘Along’ Malapitan at mga kasapi ng Sta. Maria Magnificent Eagle Club sa pangunguna ni Romel Manuel NLRVI.
Sa naturang pagtitipon, nanindigan ang mga haligi ng puilisya, lungsod at simbahan sa kahalagahan ng kolektibong pagkilos na naglalayong muling pagbuklurin ang pamayanan para sa maayos pamumuhay ng mga mamamayan.
Sa panig ng PNP, napapanahon na anilang mabawi ang tiwala ng publiko sa paraang paglalapit ng kapulisan sa mga tao.