NAGBANTA ang mga driver at operators ng mas malaking tigil pasada matapos ihayag ni Transportation Secretary Jaime Bautista na ang Dec. 31 consolidation deadline sa public utility vehicle modernization program ay hindi na maaari pang pag-usapan.
Sa interview nitong Lunes, sinabi ni Transport group Manibela president Mar Valbuena na posible ang pinag-isang malawakang transport strike sa isa pang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide.
Patuloy din umano ang pag-uusap nila at ni PISTON president Mody Floranda.
“Let’s wait (for the possible joint transport strike) as it is possible that other transport groups will join not only PISTON,” sabi ni Valbuena.
Binatikos din nito ang posisyon ni Baustisa na hindi na bigyan ng palugit ang Dec. 31 deadline sa public utility jeepneys (PUJs).
“If they will not renew us, what will be the alternative for commuters who will be affected by the phaseout (of traditional jeepneys)? He should answer that,” sabi ni Valbuena.
Kailangan din umanong marinig ang hinaing ng mga pasahero ng Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB).
“Last Friday, members (of Manibela) told me that they plan to go to their respective provinces and stop plying amid the stress they experienced because of the threat of DOTr and the LTFRB,” dagdag ni Valbuena.
Sinasabi ng grupo na nasa 600,000 PUJs ang apektado kumpara sa 9,813 modernized jeepneys na tumatakbo ngayon sa bansa.