NI LILY REYES
MATAPOS ang mahigit sa isang buwan mula nang makarnap sa Quezon City, narekober ng District Anti-Carnapping Unit ng QCPD ang nawawalang Mitsubishi Montero sa lungsod ng Las Piñas.
Sa kalatas na inilabas ng tanggapan ni Quezon City Police District (QCPD) chief Col. Melecio M Buslig Jr., binigyan ng pagkilala ang mga operatiba ng anti-carnapping unit sa matagumpay na pagtunton sa kinaroroonan ng kulay abong Mitsubishi Montero.
Ayon kay Lt. Col Hector Ortencio na tumatayong hepe ng QCPD-DACU, isa lamang aniya ang narekober na sasakyan sa mahabang talaan ng mga carnapping incidents na tinatrabaho ng grupo.
Kwento ni Ortensio, isang tawag ang natanggap ng QCPD-DACU Chief, District Anti-Carnapping Unit (DACU) hinggil sa posibleng kinaroroonan ng kinarnap na Montero. Dito na ikinasa ng QCPD-DACU ang operational search.
Kasunod ng masusing technical inspection, kumpirmadong tugma ang sasakyan sa paglalarawan ng nawawalang Mitsubishi Montero.
Kasalukuyang naka-impound sa punong himpilan ng QCPD narekober na Montero habang patuloy ang isinasagawang imbestigasyon sa hangaring matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek.
