
Walang kagatol-gatol na ibinahagi ng dalawang babaeng myembro ng KOJC Pastoral Ministry ang di umano'y panghahalay ni Pastor Apollo Quiboloy sa kanila. (Larawan ni CESAR MORALES)
NI ESTONG REYES
MATAPOS ang mahabang paghihintay, nakaharap ng dalawa sa mahabang talaan ng mga babaeng miyembro ng Pastoral Ministry ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) ang di umano sa kanila ay nanghalay.
Sa pagharap sa pagdinig ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, lakas-loob ng itinuro nina Yulya Voronina at Teresita Valdehueza si Pastor Apollo Quiboloy na di umano’y nang-abuso sa kanila.
Ayon kay Voronina, kabilang siya sa mga babaeng miyembro ng KOJC Pastoral Ministry na di umano’y ginawang parausan kada gabi ni Quiboloy.
Aniya, may nakatalagang kwarto ang bawat isang babaeng nagsisilbi sa Pastoral Ministry matapos sa silid-tulugan ng KOJC founder. Kwento pa niya, may susi sa lahat ng kani-kanilang kwarto si Quiboloy na di umano’y pinapasok gabi-gabi ng lider ng sekta.
“Nobody can deny that there is a Pastoral Ministry, even Mr. Quiboloy himself. And everybody knows that only girls and young and beautiful women are included there. We’re all under the same rules. Our rooms are next to him so he has free access to every room. Nobody knows his life behind these doors. There are no full-time KOJC church workers who know what is happening there,” wika ni Voronina.
“He has keys to each room. Just in the middle of the night, he [suddenly] comes to my room and has sex with me. You cannot run away. You cannot say, ‘I don’t want [to do this].’ You cannot run away, because if you don’t obey him, you are told you will go to hell… Things like that,” dagdag pa niya.
Kwento naman ni Valdehueza, taong 1993 nang simulan siyang halayin ng KOJC leader na nagsama sa kanya sa Cebu para sa gawain ng simbahan.
“Upon arriving in Cebu City, we arranged for him to stay at the Park Place Hotel in Fuente Osmeña. That evening, he instructed me to remain in the hotel while Nilda Linda, the assigned worker, returned to the workers’ house. When we were alone, I asked if I could sleep on the sofa, as it was a suite room. Instead, he insisted that I would sleep beside him, and even said, ‘We are compatible because our outfits were of the same colors.’ His words made me feel uneasy and quite nervous and I saw a different personality in him but I was quick to dismiss that unusual feeling,” ani Valdehueza.
Gayunpaman, pilit di umano niyang kinalma ang sarili nang bumalik sa kanyang alaala ang pagtulog ng iba pang KOJC members na sina Ingrid Canada, Teresita Dandan, and Felina Salinas na halinhinan di umanong pinatulog ni Quiboloy sa kanyang silid sa KOJC Compound sa Davao City.
“It led me to believe it was just normal and harmless. What followed shattered my sense of faith and trust.”
Tuluyan na di umano siyang hinalay ng KOJC leader. Habang ginagawa ang pang-aabuso, bumubulong si Quiboloy sa kanya at nagsabing “fulfillment of God’s revelation” ang ritwal ng pakikipagtalik sa kanya.
“He explained that God had revealed to him that I was to partake in God’s life through him by surrendering my body, soul, and spirit. He also mentioned that other girls would go through him in a similar manner. His words were strange, but I was too shocked to respond.”
Gayunpaman, todo-tanggi si Quiboloy sa inilahad nina Voronina at Valdehueza.
“Wala pong katotohanan iyong kanilang mga sinabi. Maaari po sila mag-file ng kaso. Haharapin ko po sa tamang forum, sa korte,” bulalas ni Quiboloy.
“Tinatanggi ko po [ang mga akusasyon]. Wala pong katotohanan. Wala pong katotohanan. Hinahamon ko po sila na mag-file ng kaso laban sa akin o kanino man na KOJC leader or member,” dagdag pa ng religious leader na nagsilbing presidential spiritual adviser ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
Nahaharap si Quiboloy sa mga kasong kriminal kabilang ang qualified human trafficking, na inihain sa Pasig Regional Trial Court at child abuse at sexual abuse na nakasampa naman sa Quezon City RTC.