APAT na araw tigil ang operasyon ang byahe sa Metro Railway Transit Line 3 (MRT-3) at Light Railway Transit Line 2 (LRT-2), bilang pakikiisa sa paggunita ng Semana Santa.
Sa abisong inilabas ng pamunuan ng mga naturang ruta, suspendido ang byahe ng mga tren na may rutang Baclaran-Monumento at Recto-Antipolo mula Abril 6 (Huwebes Santo) hanggang Abril 9 (Linggo ng Pagkabuhay).
Sa mga panahong tigil ang operasyon, magsasagawa naman anila ng taunang pagsasaayos ng mga tren, gayundin a mga pasilidad kabilang ang riles at mga istasyon.
Nakatakda naman ibalik ang byahe pagsapit ng araw ng Lunes (Abril 10).