
ILANG buwan makaraang pagbigyan ng husgado ang petisyon para makapaglagak ng piyansa, ibinasura naman ng Korte Suprema ang kasong rape na isinampa laban sa showbiz personality na si Vhong Navarro.
Sa 42-ahinang resolusyon, kinatigan ng Korte Suprema ang Department of Justice (DOJ) na unang nag basura reklamong inihain ni Deniece Cornejo laban sa aktor. Anila, walang pag-abuso sa kapangyarihan ang DOJ.
Paliwanag ng Supreme Court 3rd Division, bigo ang abogado ni Cornejo na maglatag ng matibay at kapani-paniwalang argumento at salaysay na magdidiin sa noo’y akusado.
Bukod sa kasong rape, abswelto na rin si Navarro sa asuntong acts of lasciviousness.
“Here the prosecutor had reasons to doubt the veracity of Cornejo’s accusations, as the glaring and manifest inconsistencies pointed out in her complaints are readily discernible by common sense without need of rigorous examination or an expertise of a trial court judge for such purpose,” ayon sa desisyong inakda ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting.
Bago pa man ang desisyon ng Korte Suprema, sumuko at ilang linggo rin nakulong si Navarro sa National Bureau of Investigation (NBI) custodial facility at kalaunan ay inilipat sa Taguig City Jail.