INIULAT ng Ninoy Aquino International Airport na nasa 730,000 pasahero ang naitalang nagtungo sa paliparan sa paggunita ng Undas.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA) nitong Huwebes, Nobyembre 2, naitala ng NAIA ang nasa 732,573 pasahero sa ngayon.
Dagdag pa ng MIAA, 88% ng 800 flights nitong Nobyembre 1 ay “on time.”
Nauna nang iniulat ng MIAA na naitala nila ang kabuuang 381,041 pasahero sa NAIA mula Oktubre 27 hanggang 29, 2023.
Umaasa naman ang paliparan na makakapag-accomodate ito ng nasa 1.2 milyong pasahero sa kabuuan ng Undas 2023.