HINDI ikinalugod ng mga pasahero ng ng Metro Rail Transit Line 3 ang nakaambang pasakit matapos maghain sa Rail Regulatory Unit (RRU) ng Department of Transportation (DOTr) ang pamunuan ng MRT-3 ng panibagong petisyong target magpataw ng dagdag-pasahe.
Sa kalatas ni DOTr Assistant Secretary for Railways Jorjette Aquino, na tumatayong officer-in-charge ng MRT-3, layunin ng petisyon na maitaas ang kanilang boarding fare sa P13.29, mula sa dating P11.
Bukod sa boarding fare, puntirya din sa petisyon na itaas ang distance fare sa P1.21 kada kilometro mula sa umiiral na P1 kada kilometro.
at gawin itong P1.21 kada kilometro.
Ayon naman kay DOTr Undersecretary for Railways Cesar Chavez, pag-aaralan muna ng kagawaran ang petisyon kasabay ng pagtitiyak na maglalabas ang kanyang tanggapan ng pasya matapos ang dalawang buwan.
Ani Chavez, tulad ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) at Line 2 (LRT-2), wala ring fare adjustment ang inaprubahan para sa MRT-3 sa nakalipas na walong taon.
Nito lamang nakaraang buwan, naglabas ng pahintulot ang DOTr na itaas ang pasahe sa LRT-1 at LRT-2 simula sa Agosto 2.