LIGWAK sa Korte Suprema ang petisyong kumukwestyon sa bisa ng ordinansang nagtatakda ng dagdag-singil sa garbage fees sa lungsod ng Maynila.
Sa resolusyon ng Supreme Court En Banc, ipinaliwanag ang dahilan sa pagbasura sa petisyon inihain laban sa Manila City Ordinance 9151 — kabiguan ng petitioner na si John Barry Tayam, ang mga pangunahing rekisito ng judicial review.
Wala rin anilang legal na personalidad si Tayam kwestyunin ang ordinansa ng Maynila, lalo pa’t hindi naman umano residente ng nasabing lungsod ang petitioner na residente ng Las Pinas City.
Binigyang-diin din ng Korte Suprema na hindi maaaring ituring na taxpayer’s suit ang kaso dahil ang ordinansa ay isang regulatory measure at hindi buwis o revenue measure.
Nilabag din umano ni Tayam ang tinatawag na “hierarchy or courts.” SAa ilalim ng naturang polisiya, anumang usaping legal ay dapat idulog muna sa regional trial court.
