
SA kabila pa ng walang puknat na reklamo bunsod ng [alpak ng serbisyo, pinili pa rin ng House Committee on Legislative Franchises na aprubahan ang panibagong prangkisa ng Manila Electric Company (Meralco) sa susunod na 25 taon.
Pinagtibay ng komite ang pagpapalawig ng prangkisa matapos pag-isahin ang House Bills 9793, 9813 at 10317 at ang inamyendahang bersyon para sa renewal ng prangkisa ng dambuhalang power distribution company.
Kabilang sa mga nakatalang may-akda ng panukalang palawigin ang prangkisa ng Meralco sina House Committees on Ways and Means Chairperson Joey Salceda (2nd District Albay), Cagayan de Oro City 2nd District Rep. Rufus Rodriguez, Chairman ng House Committee on Constitutional Amendments at House Committee on Energy Chairperson Rep. Lord Allan Jay Velasco (Marinduque Lone District).
“Meralco has long been serving our country well, and I truly believe they are deserving of a new franchise,” pahayag ni dating House Speaker Velasco.
Sa bisa ng pinalawig na prangkisa, mananatiling hari sa larangan ng power distribution ang Meralco sa 17 lokalidad ng Metro Manila, at mga karatig lalawigan ng Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Quezon, Bulacan at Pampanga.