![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/10/rendon12121-1024x768-1.webp)
IIMBESTIGAHAN ng Philippine National Police ang sinasabing paglabag na ginawa ng vlogger na si Rendon Labador na nag live stream habang isinasagawa ang raid sa isang kompanya sa Makati City.
“Hindi namin isinusulong ang mga ganitong gawain. Gagawa kami ng mgha direktiba upang hindi na ito maulit,” sabi ni PNP chief Police General Benjamin Acorda Jr. sa news briefing.
Sakaling makitaan ng mga paglabag, sinabi ni Acorda na hindi sila mangingiming kasuhan ang mga nagkasala.
Hindi naman nagbigay pa ng pahayag si Labador.
Kamakailan ay nagsagawa ng pagsalakay ang awtoridad sa isang online lending company sa Makati City kung saan hinaharass umano ng mga ito ang mga kliyente na hindi nakapagbabayad ng utang.
Kasama si Labador sa raid at agad nitong ini-live stream ang pagsalakay sa Facebook.
Nagreklamo ang pamilya ng mga empleyado dahil sa ginawa ni Labador ay tila guilty na umano sa alegasyon ang mga ito.
Sinabi ng PNP Anti-Cybercrime Group na mayroon umanong collaboration kay Labador dahilan kung bakit ito nakasama sa pagsalakay.