
KILALA na ng awtoridad ang nasa likod ng pagkawala ng beauty pageant candidate Catherine Camilon.
Ito ang ibinunyag ni PRO 4A Public Information Office chief Police Lieutenant Colonel Chitadel Gaoiran sa press conference sa nawawalang kandidata. Huling nakita si Camilon sa Lemery town sa Batangas, ayon sa Police Regional Office (PRO) 4A.
“Tuloy-tuloy pa din po ang pangangalap ng mga impormasyon para mas matukoy po yung pagkakakilanlan ng POI,” sabi ni Gaoiran.
Ayon sa ina ni Camilos, may kakatagpuin umanong tao ang kanyang anak bago ito tuluyang nawala.
Nagtayo na rin umano ng “stations and units” sa Batangas Police Province gayundin sa Tuy Municipal Police Station sa paghahanap kay Camilon.
Nanawagan din ang kapulisan na makipag-ugnayan as Tuy Municipal Police Station via Station Hotline 0998-598-5711 ang sinumang may alam sa pagkawala ni Camilon.
Kinatawan ni Camilon ang Tuy, Batangas sa Miss Grand Philippines 2023 pageant.