
SA dami ng mga nakabalagbag na truck sa gilid ng mga kalsada, pahirapan ang pagresponde ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa alarma ng sunog sa Intramuros, Maynila kung saan tinatayang 200 pamilya ang nawalan ng tahanan.
Sa ulat ng BFP, dakong alas 5:00 ng hapon nang sumiklab ang sunog sa ikatlong palapag ng isang tahanan sa Barangay 650 sa lungsod ng Maynila.
Sa imbestigasyon, isang Jose Agapao di umano ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog na mabilis kumalat sa mga bahay ay yari sa ‘light materials.’
Bukod sa mga kabahayan, hagip rin ang mga negosyo sa naturang distrito. Wala naman naitalang namatay o nasaktan sa insidente, ayon sa BFP.
Patuloy pa ang imbestigasyon ng kawanihan.