
MAAGAP na nailigtas ng mga rumespondeng pulis-Quezon City ang isang babaeng akmang lulundag patungo sa kamatayan bunsod ng depresyon.
Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Novaliches Police Station (PS 4) Station Commnder Lt. Col. Jerry Castillo, dakong 11:45 ng gabi nang napansin ng mga nagpapatrolyang pulis ang tumpok ng mga tao sa baba ng overpass sa kahabaan ng Quirino Highway, Barangay Gulod, Novaliches, Quezon City.
Dito na tumambad ang hindi tinukoy na 24-anyos na babaeng akmang lulundag sa overpass na may taas na 30 talampakan.
Nakipag-usap ang mga pulis sa babae hanggang sa masagip at dalhin sa Station Women and Children Concern Section (SWCCS) ng PS 4 para sa counselling.
Nabatid na dumaranas ng depresyon ang biktikma dahil sa problema sa pamilya.
“I would like to commend the personnel of PS 4 for their quick response which resulted in the immediate rescue of the victim,” pahayag ni QCPD Director, Brig. Gen NicolasTorre III.