NABALITAN niyo ba mga kumpadre’t kumare na lahar sand mula sa probinsya ni Kuyang Governor Jun Ebdane sa Zambales ang gagamitin ng higanteng SM sa pag reclaim ng lupa sa Manila Bay?
Ito ang sinabi ng isang amuyong natin sa Pasay City Hall na kaibigan rin ng ilang mga beteranong nag-mamaritess tulad nila Dragon Lady Amor Virata, Jean Fernando ng Manila Bulletin, Julee Ann Cabrera ng DZBB, Gina Plenago ng Bulgar at Lourdes Bermudo ng Pilipino Star Ngayon.
Ang siste, tama ba Mayora Emi Calixto-Rubiano at Congressman Tony Calixto, na hindi makakuha ng marine sand sila Big Boy Sy ng SM sa San Nicolas shoal kasi inubos na ng mga bata nila PRRD at Senator BG sa pangunguna nila Caloy Gonzales ng Ulticon para sa Harbor City ng Pasay.
Tama ka Roy Mabasa na si Caloy Gonzales ng Ulticon at kanyang kanyang anak na si Congressman Sandro Gonzales ng Marino Partylist ay masugid rin na supporter ni Vice President Inday Sarah Duterte di ba Atty. Ed Serapio?
Bago natin ituloy ang kwento, sabi nila Crispin at Basilio ay batiin muna natin ng maligayang kaarawan ang ilan natin mambabasa para hindi magalit si Padre Damaso.
Happy birthday nga pala kila Consul General Sergio Ortiz-Luis Jr. ng ECOP, retired Police General Cris Maralit, Rommel Tabbad ng Balita, Dr. Rommel Garcia, Dindo Bellosillo ng DZBB, ex Undersecretary Benito Ranque, Al Pedroche at Alex Montanez ng OHAAP.
Walang bayad yung pag anunsiyo sa inyong kaarawan mga kapatid pero pwede kayong magpa-canton sa amin.
Pwede nga ba ang lahar sand na gamitin sa reclamation? Hindi ako expert sa larangan ng geology, engineering at hazard mitigation. Pero mataas ang aking common sense.
Base sa datus ng DPWH na pinamumunuan ngayon ni Secretary Manuel Bonoan tungkol sa mga tinayong dike gamit ang lahar sand ay hindi kaaya-aya.
Bakit kanyo mga kumapdre’t kumadre noong 1980s ginamit sa Bicol ang lahar sand sa pagpapagawa ng dike.
Sabi ng mga eksperto sa ingles: “The building of these dikes, designed to contain water floods and not lahar, continued until Supertyphoon ‘Reming’ breached them all in 2006 that resulted to the death of 1,266 people who had sought safety behind them.”
Sangayon ka ba UP Institute of Civil Engineering Director Dr. Jose Regin Regidor na ampaw ang lahar sand?
Dapat pala Congressman Neri Colmenares binulong niyo dati kay Mike Defensor na lahar sand ang ibinigay natin sa bansang tsina sa kanilang pagpapagawa ng artificial island sa West Philippine Sea.
Teka Ambassador Huang Xilian balita namin nag bukas na ang Kuanzhai Xiangzi hotpot restaurant sa Spratly Island na matatagpuan sa West Philippine Sea.
Baka pwede kami nila dating CJ Tony Carpio at Paring Bert Alejo makahigop ng mainit na shabu-sabu sa Kuanzhai Xiangzi hotpot restaurant na nasa Spratly Island na ngayon.