PAGKATAPOS magbakasyon at mag relax sa mga sikat na pasyalan sa Pilipinas, kulungan naman ang kinasadlakan ng isang turistang nahulihan ng droga bago pa man makasakay ng eroplano pabalik sa China
Sa ulat ng mga kawani ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA), arestado ang Chinese national na si Qian Qiang habang sumasailalim sa security screening ng paliparan dakong alas 11:30 kahapon ng umaga. Nakuha sa kanyang pag-iingat ang limang gramo ng shabu at dalawang piraso ng bala para sa kalibre 22.
Batay sa record ng NAIA, pauwi na sana ang suspek sa Guangzhou in China nang dakpin ng mga operatiba.
Nahaharap sa kasong paglabag ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act) ang banyagang suspek na nasa kustodiya na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Sa Quezon City, timbog rin ang 53-anyos na Muslim na si Abdul Mamantar na nahulihan ng 200 gramo ng droga (katumbas ng P1.36 milyon) sa isang anti-illegal drug operation sa Barangay Nagkaisang Nayon, dakong alas 10:30 kagabi.