
SA buong Asya, sa Pilipinas mabibili ang pinakamahal na asukal, ayon sa isang kongresista kasabay ng pahayag ng pagtutol sa planong pagpapataw ng dagdag-buwis sa lahat ng produktong ginagamitan ng sweeteners.
Para kay Albay Rep. Joey Salceda na tumatayong chairman ng House committee on ways and means, hindi angkop na palusutin ang panibagong panukalang pagbubuwis ng Department of Finance (DOF).
“We now have the highest price of sugar in Asia, except for Hong Kong. Our tax on sugar is also the highest in the world, twice as high as Mexico,” litanya ni Salceda.
Una nang kinuwestiyon ng ilang senador kung bakit hindi bumababa ang presyo ng asukal kahit ipinasok na ang smuggled na asukal sa Pilipinas. Ang presyo ng refined sugar ay naglalaro sa P86 hanggang P110 bawat kilo.
Hindi rin kinagat ng kongresista ang paliwanag ni Finance Sec. Benjamin Diokno na kailangang taasan ang buwis sa matatamis na inumin at junk food para mabawasan daw ang bilang ng mga obese sa bansa.
Ani Salceda, mababa ang obesity rate sa Pilipinas na nasa 22% lamang kumpara sa Mexico na umabot sa 76% kaya pinatupad nila ang pagtaas ng buwis sa matatamis at junk food.
“If the obesity rate in the Philippines, my estimate is 22% because we are in the lowest quintile, so what do you gain from it?” tanong ng kongresista.
“I’m very wary about taxing foods because. It’s more likely to be aggressive. There’s a health objective attached to it, that’s why kailangan ng mabuting pag-aaral.”