KUNG pagbabatayan ang pasya ng Korte Suprema, mayroon lamang dalawang taong ilalagi sa termino ang nasa 924,000 manunumpang opisyales para sa Barangay at Sangguniang Kabataan.
Panawagan ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez sa House Committee on Local Government, kagyat talakayin ang kanyang panukala upang maging limang taon ang termino ng mga mahahalal na opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan.
Ayon kay Rodriguez, buwan ng Pebrero pa nang inihain niya ang House Bill 7123, subalit nakapagtataka aniyang wala pang naisagawang pagdinig kaugnay ng kanyang panukala.
Paliwanag ni Rodriguez, kung susundin ang naging desisyon ng Korte Suprema na nagbasura sa Republic Act 11935, ang mga mananalo sa Oktubre 30, 2023 ay mauupo lamang ng dalawang taon o hanggang 2025.
“Let’s give all of those to be voted this year and succeeding elections a uniform term of office of five years, instead of those to be voted in October having a two-year tenure and those to be elected in 2025 enjoying three years,” sabi ni Rodriguez.
Batay sa desisyon ng SC, unconstitutional ang RA 11935 na nafusad sa eleksyon na dapat sana’y ginanap noong Disyembre 5, 2022.
Sa ilalim ng panukala ni Rodriguez ay aamiyendahan ang Section 43 ng Local Government Code kung saan itinakda sa tatlong taon ang termino ng Barangay at SK officials.