PERSONAL savings accounts sa dalawang pribadong bangko ang pinasukan ng naglahong pera sa ewallet ng mga GCash users.
Pag-amin ng East West Bank, tukoy na rin nila ang mismong bank account na nakitaan ng hindi pangkaraniwang bugso ng cash transfer.
“EastWest Bank has been made aware of news reports regarding unauthorized cash transfers from GCash into an alleged EWB account,” ayon sa opisyal na pahayag ng East West Bank.
“The Bank immediately acted on these reports and initiated an internal investigation. Rest assured that EastWest is cooperating with authorities and other institutions involved in the said report and working toward the immediate resolution on the matter,” anila pa.
Wala ng iba pang detalyeng inilabas ang naturang bangko hinggil sa pagkakakilanlan ng bank depositor na may ari ng EWB saving account na nagtatapos sa 5239.
Bukod sa East West Bank, isa pang personal bank account na nagtatapos sa 3008 ang nakitaan ng kaduda-dudang bugso ng GCash fund transfer.
“On May 8, 2023, AUB was alerted by GCash on certain GCash transactions that involved the transfer of funds via InstaPay to an AUB account. AUB immediately acted upon the alert and temporarily put the AUB account on hold,” pahayag ng Asia United Bank (AUB).
Kapwa nagpahayag ng kahandaan makipagtulungan ang dalawang bangko sa layuning resolbahin ang pinaniniwalaang tangkang pagnanakaw sa perang nakalagak sa milyon-milyong GCash ewallet.
“Be assured that we at AUB are extending our utmost cooperation with GCash in so far as looking into the said AUB account,” ayon kay AUB Legal Services and Data Privacy Officer Emma Cabochan.