ISANG linggo matapos patikimin ng tapyas presyo, dagdag-presyo sa mga produktong petrolyo naman ang ikinasa pagsapit ng Martes, Marso 7,2023.
Sa pagtataya ng Unioil Petroleum Philippines, maglalaro sa P1.30 hanggang P1.50 kada litro ang antas ng pagsipa sa presyo ng krudo na gamit ng mga pumapasadang dyip at bus sa mga lansangan ng Metro Manila at iba pang bahagi ng bansa.
Nasa 30 sentimos naman kada litro ang dagdag-presyo sa gasolina.
Wala pang pahayag ang mga grupo ng mga operator at dyip na pawang abala sa paghahanda sa ikinasang tigil-pasada mula Marso 6 hanggang 12.