
NASA ikalimang pinakamalakas mangutang ang Pilipinas sa World Bank na mayroon nang $2.336 billion kabuuang aprubadong utang sa anim na proyekto kasabay ng ika unang taon pa lamang na panunungkulan ni Pangulong Ferdinanad Marcos Jr.
Sa annual report na inilathala nitong 2023, sinabi ng World Bank naang pangungutang ng gobyerno ng Pilipinas sa ilalim ni Marcos ay nangangahulugan ng karagdagang reporma.
Kabilang sa anim na inutang ng gobyerno ngayon taon, mula Hulyo 1, 2022 hanggang Hunyo 30, 2023 ay ang: $600 million Second Financial Sector Reform Development Policy Financing; $100 million Mindanao Inclusive Agriculture Development Project; $176 million Fisheries and Coastal Resiliency Project; $750 million First Sustainable Recovery Developing Policy Financing; $110 million Teacher Effectiveness and Competencies Enhancement Project; and $600 million Rural Development Project Scale-Up, according to World Bank records.
Sa dokumento ng World Bank, nabatid na ang mga utang sa ilalim ng bagong administrasyon ay mababayaran sa pagitan ng 2028 at 2052.
Sa mga mahihirap na bansang nangungutang sa World Bank Group’s International Bank for Reconstruction and Development (IBRD) at International Development Association (IDA), nangunguna ang India sa pangungutang sa nakalipas na dalawang taon na umabot sa $4.32 billion ngayong 2023.