![](https://saksipinas.com/wp-content/uploads/2023/02/asukal.jpg)
APRUBADO na sa Sugar Regulatory Administration (SRA) ang isinusulong na pag-angkat ng karagdagang 150,000 metriko toneladang asukal sa hangaring punan ang anila’y kakulangan ng suplay sa bansa.
Sa ilalim ng Sugar Order 7, binigyang pahintulot hanggang Setyembre 15 ng SRA ang tinaguriang ‘eligible importers’ na na mag-import ng asukal batay sa kani-kanilang alokasyon para tiyakin angkop at sapat ang buffer stock na panalag sa posibleng kakulangan ng suplay sa merkado.
Kalakip rin ng naturang kautusan ang multa at parusa para sa mga eligible importers na mabibigong magpasok ng kanilang imported refined sugar allocation o raw sugar allocation bago ang sumapit ang itinakdang deadline.
Sa datos ng SRA, ang SO 7 na ang ikalawang importasyon na inaprubahan ng SRA ngayon taon.