TALIWAS sa umuugong na balita hinggil sa di umano’y napipintong anunsyo ng Palasyo, walang nakatakdang italaga si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hahalili sa kanyang pwesto bilang Kalihim ng Department of Agriculture (DA).
Ayon kay presidential son at Ilocos Norte Rep. Sandro Marcos, wala rin katotohanan ang impormasyong ibinahagi ni dating Ambassador Rigoberto Tiglao hinggil sa pag-upo ni dating Interior and Local Government Secretary Mar Roxas bilang Agriculture Secretary.
Partikular na tinukoy ng batang Marcos ang artikulong isinulat ni Tiglao sa isang pahayagan kung saan sinabing mismong si Roxas ang nagligwak ng impormasyon hinggil sa nakatakdang pagpasok sa gabinete ni Marcos.
“A very apolitical source told me that it was Roxas who disclosed his coming appointment to a group of friends very recently,” saad sa isang bahagi ng artikulo ni Tiglao.
Sagot naman ng anak ng Pangulo – “Sorry… but this isn’t true in the slightest.”
Malapit na kamag-anak ni First Lady Liza Araneta-Marcos si Roxas.