MATAPOS ang ipinataw na dagdag-singil noong nakaraang Marso, nakatakda naman tapyasan ng Manila Electric Company (Meralco) ang singil na katumbas ng konsumo para sa buwan ng Abril.
Sa kalatas ng Meralco, 11 sentimo kada kilowatt hour (kWh) ang ibabawas sa electricity consumption bill – higit na maliit kumpara sa umento noong nakalipas na buwan kung saan P0.5453 per kWh ang ipinataw na dagdag-singil sa konsumo ng kuryente sa Metro Manila at mga karatig lalawigan.
Pagtataya ng Meralco, aabot sa P11.30 ang matitipid ng isang ordinaryong pamilyang kumokonsumo kada buwan ng 100 Kwh.
Para naman sa mga pamilyang kumokonsumo ng 200 kWh, P24 ang kabawasan sa bill ng Meralco para sa kasalukuyang buwan.
Ayon sa Meralco na ang pagbaba ng power rate ngayong Abril ay bunsod ng pagbaba ng generation charge na umabot sa P7.3295 per kWh ngayong buwan kumpara sa P7.3790 per kWh noong Marso.