ANIMNAPUNG pasyenteng nasa kustodiya ng National Center for Mental Health (NCMH) sa Mandaluyong City ang nakatakdang ilipat sa mga pangkaraniwang bilangguan, ayon sa Department of Health (DOH).
Sa kalatas ng DOH, inihayag ni Health Secretary Rosario Vergeire na pakay ng kagawaran solusyonan ang problema ng pagsisikip ng NCMH forensic pavilion kung saan ginagamot ang mga akusadong may karamdaman sa pag-iisip.
Gayunpaman, nilinaw ng Kalihim na tanging yaong may mga kinakaharap na kasong kriminal ang puntiryang ilipat sa iba’t-ibang piitang pinangangasiwaan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).
Ayon pa kay Vergeire, inaasahan naman higit pang mas malaking bilang ng mga pasyente ang mabibigyan ng angkop ng kalinga ng NCMH a sandaling matapos ang gusaling ipapatayo ng kanyang departamento.
Paliwanag pa ng opisyal, lumobo ang bilang ng mga pasyente ng NCMH dahil di pa naililipat ang mga forensic patients na handa nang humarap sa husgado matapos sumailalim sa gamutan sa naturang ospital.
Nakipag-ugnayan na rin aniya ang DOH sa iba pang ahensya ng pamahalaan para sa angkop na lugar para sa mga pasyenteng pasok sa kategorya ng ‘discharged’ at ‘competent’ habang ptuloy ang pagdinig sa kanilang kinakaharap na asunto sa husgado.
“We have also requested audience from Senator Tulfo, next week, so, we can sit down with him and present to him kung ano na po ‘yung mga naging improvements na base na po dun sa mga obserbasyong naibigay nya sa atin.” pagtatapos ni Vergeire.