Ni JAM NAVALES
SA dalawang araw na pag-ikot sa lalawigan ng Bulacan, napagtanto ng isang kongresista ang potensyal ng local dairy industry, isang pangarap na maisasakatuparan kung bubuhusan ng sapat ng pondo ng pamahalaan.
Para kay Agri partylist Rep. Rep. Wilbert Lee, higit na angkop paunlarin ang industriya sa ilalim ng pangangasiwa ng Philippine Carabao Center (PCC).
Ayon kay Lee, napapanahon nang paglaanan ng pamahalaan ang pagtataas ng antas ng research management ng PCC maging ang paggamit ng mga makabagong teknolohiya para palakasin dairy industry sa pagtatapos ng El Niño.
Bilang tugon sa kahilingan ng National Dairy Authority (NDA), target ng kongresista isulong ang paglalaan ng P2.5 billion budget para matustusan ang pagbili ng 5,000 imported cattle at pagpapatayo ng laboratory facilities sa anim na regional offices para sa local milk production.
“We support the goal of the NDA to increase the dairy production and develop our local dairy industry. Kaya isinusulong rin natin na madagdagan ang budget ng mga ahensya ng gobyerno na may kinalaman sa pagpapalago nito,” wika ni Lee.
Ayon sa Bicolano lawmaker, bukod sa pagbili ng imported cattle, dapat ding pagtuunan ng pansin ang research and development sa pagpaparami ng mga kalabaw para sa milk production at iba pa.
“Research and innovation on both cattle and carabaos are vital to ensuring the dairy industry continues to improve practices and minimize impacts of extreme weather conditions while improving milk production,” dugtong ng kongresista.
“Sa ngayon halos P89 million lang ang nakalaan para sa Research and Development ng National Carabao Development Program ng PCC at P274 million naman para sa kanilang Herd Build-up of Genetically-Improved Dairy Buffalos. Dapat madagdagan ang suporta natin dito,” aniya pa.
“Carabaos are hardy, low-maintenance animals. They can thrive on local grasses and do not need expensive feeds, making them well-suited for small-scale farmers. Apart from their agricultural use, carabaos also provide milk,” hirit pa ni Lee.
Ani Lee, sa pagbibigay ng dagdag na budget, mahalaga na magkaroon ng konkretong plano, maayos na implementasyon at angkop na pasilidad.
“Halimbawa, we cannot afford to import cattles used for dairy without proper acclimatization facility, dahil kung wala nito, marami talagang mamamatay pagka-import. Hindi pwedeng ura-urada dahil para lang tayong nagtatapon ng pondo,” paalala pa ng mambabatas.
“Napakalayo pa ng ating bansa sa pagkamit ng milk sufficiency. Kaya dapat maging kayod-kalabaw din ang gobyerno sa pagsuporta sa mga ahensya para mapaunlad ang local dairy industry at hindi tayo laging dependent sa importation. We deserve better and it is our right to demand better services and demand more opportunities in our country,” dagdag ni Lee
“Winner Tayo Lahat sa pagpapaunlad sa bawat sektor at industriya na lumilikha ng tiyak at karagdagang trabaho, sa pagsusulong ng dagdag na kita, sapat, abot-kaya at masustansyang pagkain sa bawat pamilya, at pagkakaroon ng kapanatagan ng loob na magkasakit man, hindi malulubog sa hirap at utang dahil sa patas at mapagmalasakit na serbisyong pangkalusugan,” pagtatapos ng kongresista.
