SA Delicious Restaurant, meron akong nadinig habang nagpa-canton ang isa sa mga Seksing Saksi na tagasubaybay natin, mga kumpadre’t kumadre.
Ewan ko kung matutuwa o maiinis si Sonny Fernandez sa narinig natin habang kumakain kami ng canton.
Si Bambi Purisima daw ang media handler ngayon ni Cong Arnie Teves ng Negros Oriental. Totoo kaya ito Yingbo Abasola at Mina Navarro? Hirit ni Louie Logarta, dehins si Bambi pero “B” rin daw ang simula ng pangalan kundi ako nagkakamali sa pagdinig parang Bentot Ah(?).
Malakihan ngang usapan ire, di ba Gil Bugaoisan. Hingi kang balato Sister Jenny Munar kay Bentot tapos ambunan mo kami.
Kamakailan lang, ibinasura ng Foreign Ministry ng Timor Leste ang hirit na political asylum ni Cong Arnie. Sa madaling salita, Papua New Guinea at Siberia na lang pwede niyang takbuhan. Yun na lang kasi ang wala tayong extradition treaty.
Ang siste, pati pasaporte ng bruskong Teves, target ipakansela!
Teka, Lydia Bueno… bakit tila mabagal ang usad ng murder complaints na isinampa ng PNP-CIDG at ng pamilya ni Governor Roel Degamo laban kay Congressman Arnie Teves at iba pa sa DOJ na pinamumunuan ni Secretary Boying Remulla?
At bakit nga ba Lakay Rolly Gonzalo hindi pa rin nag re-request ang DOJ Secretary Remulla sa Department of Foreign Affairs na pinamumunuan ni Secretary Iking Manalo na kanselahin ang passport (diplomatic or hindi) ni Cong Arnie para mapilitan siyang bumalik sa Pilipinas at harapin ang kaliwa’t kanan niyang asunto kabilang ang umanoy pagpaslang kay Governor Degamo?
Alam ata ni Alvin Murcia at Paul Gutierrez ang kasagutan kung bakit?
Maiba naman tayo, mga kumpadre’t kumadre. Isa pang pinaguusapan na narinig ko lang sa katabing lamesa ay mga tweet nila PingPing Will Tweet, The Filipino Republican at Blue.
Tama ka Andi Garcia na si PingPing Will Tweet at ang PingPing Still Tweets at PingPing Tweets ay iisa. Na-block ng Tweeter ang PingPing Tweets dahil sa mga insultong binato niya sa isang politiko at sa kanyang pamilya. Lam niyo na kung sino yon, Ipe Lustre.
Usok lang ba o meron rin apoy ang tsismis nila PingPing Will Tweet at The Filipino Republican, Florante Rosales?
Ika ni PingPing Will Tweet: “Recently we’re seeing a growth in discontent among the supporters of the two evils.” Ang tinutukoy ni PingPing Will Tweet na “two evils” ay “EvilDictator” at “DavaoDracula.”
Upang maintindihan natin ang ‘wento, kailangan natin i-decipher. Kumausap tayo ng ilang Millennials. Sabi nila na ang “EvilDictator” ay mukhang patungkol sa tatay ni PBBM at ang “DavaoDracula” naman ay bansag sa tatay ni VP Inday Sara.
Naku Jocelyn Tapic nais yata pagsabungin ni PingPing Will Tweet sina PBBM at VP Inday Sara. Nasan na ba ang MASADA?
Ayon kay PingPing Will Tweet, ex Secretary Romulo Neri ng DBM at ex Assistant Secretary Cherry Santos ng MinDA: “#SWOH plans to dethrone #BlingBlong as she cannot wait till 2028. Her father wants to be back in power.
Ito naman sabi ni The Filipino Republican: “The DeDeEs / Kakampures are making a move to fight against” PBBM.
Hirit pa ni The Filipino Republican na yung DeDeEs / Kakapures ay naghahanda laban kila PRRD at VP Inday Sara. Anong palagay mo Senator Bong Go?
Totoo ba Lakay Deo Macalma at Ka Tunying Taberna na isa sa mga taga-screen ng mga appointees sa gobyerno ni PBBM ay si Topaqits. Tama ka Senator Kiko Pangilinan magkasama si First Lady Atty. Liza Araneta-Marcos at si dating Executive Secretary Atty. Paquito Ochoa sa law firm dati.
Sabi nga ni Mamang Tsuper papuntang Tanay galing ng Shaw Boulevard sa Mandaluyong, “who does not pay.” Totoo naman ito di ba Bishop Soc Villegas?