SINO sa mga kumpadre’t kumadre ko ang hindi maka-afford magbayad ng abogado?
With due respect kay Atty. Persida Rueda-Acosta, mas maigi pa ang kumausap ng abogadong pro bono kesa mga kasapi ng Public Attorney’s Office.
Bakit kamo Jing Villamente? E siguradong convicted ka! Hindi naman siguro PAO-pak ang mga bata ni Atty. Acosta, di ba Butch Fernandez at Tatin Marfil.
Lam mo ba Frankie Tuyay ang gusto pala ng mga tauhan ni Atty. Acosta sa PAO, ang kanilang kliente — Biktima o Suspek — ang kailangan gumawa ng complaint o kaya counter affidavit.
Ano naman ang alam ng mga kliente ng PAO sa pagsusulat ng complaint o kaya counter-affidavit na sinusumite sa Prosecutor’s Office di ba Jeamma Clare Sabate?
Meron naman isang insidente, Ares Gutierrez sa Quezon City mismo, kinausap umano ng PAO lawyers ang isang kliente nila na huwag ng ilagay sa kanyang counter affidavit na nagsampa siya ng reklamo sa kanyang manyakis na bossing at yung kanyang manyakis na amo ay sinuspinde kaugnay ng kinakaharap na sexual harassment case.
Bakit nga? Tanong tuloy ni Justice Secretary Boying Remulla, di ba Paul Gutierrez. Ang siste Armand Nocum, kaya daw nagsampa ng reklamo yung bebot laban sa kanyang malibog na bossing ay upang sirain nito ang kanyang pangalan at pati ang opisinang pinagtatrabahuhan niya.
Tanging sa Pilipinas lamang nangyayari ang ganitong sitwasyon na ang biktima ng sexual harassment ang pinalalabas na may masamang motibo, tama ba Manny Mogato?
Buti pa si Almar Danglinan alam na ang ibig sabihin kung bakit nagkaganon. Me lagay? Hindi ako nag sabi. Nalagyan? Hindi ko rin sinabi! Baka si Mel Robles meron alam?
Kilala ni Executive Secretary Lucas Bersamin kung sino yung manyakis na naka-barong, di ba Jomar Canlas?
Ika nga nila, birds with the same feather flock together di ba Conrad Banal at Jonathan dela Cruz? Matulis rin ba si Boss Edgar Cabangon, anong tingin mo Elmer Mesina?
Pahabol sa mga gusto magpa-canton?! Happy birthday kiNa Cecille Suerte-Felipe, PCO Assistant Secretary Robert Ricohermoso, Benjo Laygo, DMW Undersecretary Venecio Legaspi, Romy Pajarillo, Ben Rosario, Ed Sarto at Santi Celerio.