SALUNGAT sa sinasabi ng mga malalaking kumpanya sa atin, mas masama pala sa kalikasan ang naidudulot ng mga Electric Vehicles kesa mga sasakyan gumagamit ng gasolina, maniwala man kayo o hindi.
Ito ay base sa isang pag-aaral na isinagawa ng Emission Analytics, isang kumpanyang naka-base sa London at aqy may tanggapan sa Estados Unidos at ilang bansa sa Europa.
Kilala ang Emission Analytics sa buong mundo sa kanilang paggawa ng mga pag aaral gamit ang siyensya at advanced algorithms tungkol sa air pollution.
Nabasa ko ang pag-aaral na isinagawa ng kumpanya na pagmamay-ari ni Nick Molden matapos ilathala ng New York Post at Wall Street Journal ang resulta ng pagsasaliksik ng Emission Analytics.
Ang tanong ngayon kung paano makakamit ang zero emission ng mga sasakyan sa buong mundo kaugnay ng hakbang ng maraming bansa kabilang ang Pilipinas upang labanan ang Climate Change matapos maibahagi ng New York Post at ng Wall Street Journal na isinagawa ng Emission Analytics.
Sa kasalukuyan ang malaking bahagi ng polusyon nagmumula sa mga sasakyan ay dulot ng mga nauupod na mga gulong at brake pads.
Ang mga gulong ay gawa ng synthetic rubber mula sa langis na krudo at iba pang adetiba ng kemikal na humahalo sa lupa at tubig kung saan natin kinukuha ang ating kinakain araw araw.
Sabi ng mga eksperto “an increase of these toxins to the air we breathe can increase the risk of health problems like heart disease, asthma, and low birth weight.”
“Pollution from sources including vehicle exhaust can travel long distances from its source and still cause health issues at unhealthy levels,” dagdag pa ng mga eksperto.
Ang timbang ng mga bateryang nasa Electric Vehicles tulad ng Tesla, Polester at BYD ay naglalaro sa pagitan ng 400 kilograms hanggang 800 kilograms kumpara sa halos 53 kilograms ng Hybrid tulad ng Toyota.
Still, “this will not be something that stops electrification,” ani Nick Molden, na founder at CEO ng Emissions Analytics, sa New York Post.
“You have a trade-off. At the moment, the political agenda is very strong towards climate change reduction. EVs do deliver about a 50% reduction in CO2 — that [affects] climate change.”
“But you have this downside of EVs that increases particle pollution. Air pollution is about what we breathe and the health effects,” hirit ni Molden.
Dagdag pa ni Molden, “assuring that the toxins in tires have much less impact on climate change than they do on ‘what we eat and are ingesting.’”
Paktay na!
