
PCO Secretary Cheloy Garafil totoo ba itong binulong ng aming Seksing Saksi na nagalit si PBBM at FLLAM kay Speaker Martin Romualdez sa pag demote ng kanyang mga alipores sa House of Representatives kay Congresswoman Gloria Macapagal-Arroyo?
At dahil dito, Ambassador Zeny Angpin, hindi malayong magkaroon ng bagong Speaker upang ma-please si Madam Gloria, di ba Congressman Harry Angpin?
Ibig sabihin ba nito Vice President Inday Sara Duterte eh nag flex lang ng muscle si Ninang Gloria at natataranta na ang mag asawa sa Palasyo.
Abangan natin itong kaganapan sa Batasan Hills di ba dating Budget Secretary Romy Neri at dating Energy Undersecretary Ben Ranque? Naniniwala ako sa kasabihan ng ating mga Lolo’t Lola nakakabingi ang katahimikan tama ba Nanay Baby Pineda? Uy kamusta niyo pala ako Pampanga Governor Delta Pineda kay Aching Edna Vitug, di nasagot sa aking mga tawag o text.
oOo
Maiba naman tayo mga kumpadre’t kumadre. Nabalitaan niyo ba na balak i-privatize ang Pagcor? Ito ang sabi ng isa pa nating Seksing Saksi sa Ermita, Jun Burgos.
Tama kayo Ares Gutierrez at Raul Dancel gagamitin daw yung pagbebentahan ng Pagcor para pondohan ang Maharlika Fund.
Anong say niyo Budget Secretary Amenah Pangandaman at Finance Secretary Ben Diokno?
Anong tingin mo Pagcor Board Member Gilbert Remulla, joke’no ba ito?
Napapangisi tuloy si BSP Governor Philip Medalla sa kanyang opisina habang nagkakape. Teka baka kilala ni Atong Ang kung sino kaya ang broker sa pag privatize ng Pagcor?
oOo
PTFoMS Executive Director Paul Gutierrez bakit parang ill-advised si Justice Secretary Boying Remulla sa pagsabi niyang pwedeng gamitin yung Artificial Intelligence o AI sa pag profile ng mga touristang palabas ng bansa bilang tugon ng pamahalaan kontra human smugglers di ba Cavite Governor Jonvic Remulla? Sana naman masabihan ni Dr. Andrew Buencamino ng Philracom si Secretary Boying Remulla na kung walang media adviser ay huwag masyadong mabilis ang bibig sa kokote.
Sa awa ng diyos, hindi nag labas ng statement si DMW Secretary Toots Ople kung payag siya sa mungkahi ni Secretary Boying Remulla di ba Director Toby Nebrida?