Allan Encarnacion, balita ko madalas kayo nila Ka Tunying Taberna at Gerry Baja ng DZRH kumain ng barbeque. Nasubukan niyo na ba ang barbeque na binebenta sa Tinuhog Ni Benny namatatagpuan sa Maynila?
Naku mga Seksing Saksi, hindi Natuhog Ni Benny ah, kundi Tinuhog Ni Benny. Kayo talaga PCO Assistant Secretary Bobby Ricohermoso at Dragon Lady Amor Virata, tulad ni Jean Fernando ng Manila Bulletin at James Catapusan ng Remate, eh, masyadong malisyoso mag-isip.
Ito ang balita ng isa nating Seksing Saksi mula sa Batangas. Si Governor Dodo Mandanas daw ay nagbabalak tumakbong Senador. Totoo kaya ito Ka Rene Sta. Cruz ng DZBB? Hindi ko kilala ng personal si Governor Dodo Mandanas, at sigurado ako na hindi rin niya ako kakilala o kaibigan.
Pero ang pangalan ni Govenor Dodo Mandanas at pati ni Bataan Governor Tet Garcia ay naging bahagi sa isang landmark decision ng Korte Suprema na mas kilala bilang “Mandanas Ruling.” Buti na lang tanggap nila Governor Joet Garcia at ang kapatid nitong si Congressman Abet Garcia na tawaging “Mandanas Ruling” ang naging desisyon ng Korte Suprma sa isinampang petisyon nila Governor Dodo Mandanas ng Batangas at Governor Tet Garcia ng Bataan… di ba Mar Supnad?
Teka ano nga ba ang “Mandanas Ruling” at bakit mahalaga ito kahit hindi ako o kayo taga-Batangas o Bataan?
Dahil sa “Mandanas Ruling,” tumaas ang share sa Internal Revenue Allotment ng bawat Local Government Units tulad ng City Government of Manila o kaya ng Municipal Government of Pateros. Lalagpas ng 60% ang share sa IRA ng LGUs kundi ako nagkakamali. At dahil tumaas ang IRA share ng mga LGUs, iisa lang dapat ang ibig sabihin niyan, masmaraming social services. Kung hindi dumarating ang social services ng inyong LGU, mga Seksing Saksi, tama ang hinala ni Mat Vicencio, di ba Florante Rosales?
Tama ka Mayor JB Bernos ng La Paz, Abra maraming kasapi ng Union of Local Authorities of the Philippines ang nais suportahan si Governor Dodo Mandanas.
Maliban kay Governor Dodo Mandanas, humirit naman ang isang Seksing Saksi mula sa Laguna. Si Governor ER Ejercito rin daw ay nagbabalak tumakbong Senador. Tama ba ito Congressman Loreto Amante? Bakit nakangisi si Mayor Cesar Areza, Senator JV Ejercito? Naku huwag kang manigurado Mayor Areza, baka masilat di ba Paul Gutierrez ng People’s Journal.
Tanungin natin si Senator Jinggoy Ejercito Estrada na kung sakaling tumakbo at manalong senador si Governor ER Ejercito, ano kayang tatakbuhan ni Maita Sanchez (Girlie Javier-Ejercito) – Mayor ng Pagsanjan o Gobernador ng Laguna?
Malakas pa ba ang “Erap Magic” sa national election? Muhkang malakas pa di ba Dong Delos Reyes? Kung wala ng “Erap Magic,” ika ng ilan nating Seksing Saksi mula sa Parola, bakit kulay “orange” ang official color na ginamit ni Senator Manny Villar at ng kanyang anak na si Senator Mark Villar. Kulay “orange” sila Erap at kulay “tangerine” naman sila Villar parang walang pinagkaiba? Isa pang masa at isa pang mayaman di ba Jose Nestor Mata mula sa Office of Senate Secretary.