
Kon dili ninyo masulbad ang suliran sa sibuyas, unsaon man ninyo pagsulbad ang suliran sa tibook Pilipinas?
Ito ang duda ng isang Seksing Saksi mula sa probinsya ni Tourism Secretary Christina Frasco na anak ni Cebu Governor Gwen Garcia at bumoto kay Pangulong BBM na siyang tumatayong Agriculture Secretary.
Sa mga kumpare at kumare natin na hindi nakaka-intindi ng Bisaya, ito ang ibig sabihin ng ating Seksing Saksi galing sa Cebu – “Kung hindi kayang solusyonan ni PBBM ang problema sa sibuyas paano pa niya reresolbahan ang ibang problemang kinakaharap ng ating bayan?”
Napapahalakhak tuloy si dating Vice President Leni Robredo at si dating Senador Bam Aquino, di ba Jinky Jiorgio?
Pero sabi ni Sol Vanzi bigyan naman ng konting panahon si PBBM. Tama naman di ba Joed Serrano na hindi superman si Pangulong Bongbong?
Teka bakit ba nagbitiw si Atty. Jose Art Tugade bilang pinuno ng LTO? Baka alam ni Davao del Norte Governor Tony Del Rosario ang tunay na dahilan di ba Congresswoman Bernadette Herrera ng Bagong Henerasyon?
Meron binulong ang dalawa natin Seksing Saksi mula sa Quezon City at sa Mandaluyong, mga kumpare at kumare.
Ayon sa isang Seksing Saksi mula sa East Avenue, tila meron kinalaman ang pagbibitiw ni Atty. Tugade sa napipintong krisis sa kakulangan ng plaka ng mga sasakyan at ang kakulangan ng plastic card para sa lisensya ng mga tsuper.
Iba naman ang hirit ng isang Seksing Saksi mula sa building na kung saan nag oopisina si Vic Paterno ng Philippine Seven Corporation at ECPay sa Ortigas.
Ayon sa kanya, naghigpit ang mga alipores ng anak ni dating DoTR Secretary Art Tugade sa mga smoke belching at tinamaan ng malaki ang ilang tong-resmen.
Kasama natin ang ating mga Seksing Saksi para makibalita sa mga bagong kaganapan.