
TARGET ng Palasyo magkasa ng isang malalimang imbestigasyon kaugnay ng reklamo ng mga empleyado ng nasabing ahensya.
Ayon sa isang impormante sa Palasyo, pinatawag na sa Malakanyang si PSC Chairman Dickie Bachmann para magpaliwanag sa alegasyon ng mga PSC employees hinggil sa di umano’y nakaambang pagsibak sa 100 empleyado ng ahensya.
Katunayan pa ayon sa impormante, isang pormal na liham mula sa mga apektadong kawani ng PSC ang batayan ng Palasyo para maglabas ng “paanyaya” sa PSC chairman bunsod ng iba’t ibang sumbong hinggil sa mga irregularidad sa nasabing ahensya.
Gayunpaman, nananatiling tikom ang bibig ni Bachmann.
Batay sa batas na lumikha ng nabanggit na ahensya, mandato ng PSC magbalangkas ng mga polisiya at mga programa sa ikauunlad ng amateur sports.