
SAMPUNG lugar sa bansa ang kinilalang positibo sa nakalalasong red tide, ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ngayong Sabado.
Sa bulleting ng BFAR, pinag-iingat ng ahensiya ang publiko sa pagkain ng seafoods mula sa mga lugar na positibo sa paralytic shellfish poison (PSP) o toxic red tide:
President Roxas City sa Capiz
Saplan Bay in Capiz (Ivisan and Saplan in Capiz; Mambuquiao and Camanci, Batan in Aklan)
Coastal waters of President Roxas sa Capiz
Coastal waters of Panay sa Capiz
Coastal waters of Pilar sa Capiz
Coastal waters of Dauis at Tagbilaran City in Bohol
Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur
Coastal waters ng Gigantes Islands, Carles sa Iloilo
Coastal waters ng San Benito sa Surigao Del Norte
Lianga Bay sa Surigao del Sur
“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the areas shown above are NOT SAFE for human consumption,” ayon sa ahensiya.