HINDI bababa sa 100 estudyante at mga guro ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) sa Lucena City ang isinugod sa pagamutan matapos umanong malason habang nasa educational tour sa Baybay City sa lalawigan ng Leyte.
Batay sa ulat ng Leyte Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), patuloy na inoobserbahan sa pagamutan ang nasa 50 mag-aaral matapos makaranas ng pananakit ng tiyan, pagsusuka, at iba pang sintomas ng pagkalason sa pagkain noong Miyerkules ng hapon.
Sa datos ng lokal na pamahalaan, nagmula pa ang grupo sa Kalanggaman Island sa bayan ng Palompon kung saan isinagawa ang unang bahagi ng educational tour.
Samantala, tiniyak naman MSEUF administration na nasa maayos na kalagayan na ang mga apektadong mag-aaral at mga guro mula sa College of Tourism and Hospitality Management.
Patuloy pa ang imbestigasyon sa hangaring matukoy kung anong pagkain ang nagdulot ng food poisoning sa mga lumahok sa educational tour.

Karagdagang Balita
Driver ng ambulansya, swak sa droga
Yosi smuggling bistado sa Palawan
P43M marijuana silat sa Taytay, suspek arestado