SINALAKAY ng awtoridad ang isang anim na palapag na Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) hub sa Williams St., Pasay City matapos makatanggap ng report na pugad ito ng illegal na aktibidad kabilang ang sex trafficking, love at crypto scams.
Nasa 700 empleyado rin ang ni-rescue sa raid.
SA media conference, sinabi ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na kabilang sa joint forces ang Department of Justice-Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) and Office of Cybercrime (OOC), the Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC), Philippine National Police-Special Action Force (SAF), Women and Children Protection Center (WCPC), at Integrity Monitoring and Enforcement Group (IMEG), ang sumalakay armado ng search warrant.
Matapos ang inspeksiyon, nabatid na nasa 80 silid ang ginagamit umano sa prostitusyon kung saan mayroon ding malaking ‘aquarium’ na pinupugaran ng mga hinihinalang biktima ng prostitusyon, kabilang ang mga Chinese, Vietnamese, Korean, at Pinay.
“Para siyang (It seemed to be a) one-stop shop for what you need or what you want for maybe sexually oriented activities,” ayon kay Remulla.
Isa sa mga tinanggalan ng lisensiya ang Smart Web ngunit nakabalik rin matapos palitan ang pangalan na PAGCOR IGL.
Sinabi ng PAOCC na nauna nang hindi pinapasok ang inspection team sa lugar. Tumanggi rin ang mga guwardiya na papasukin ang inspection team.
Sa raid, dalawang Chinese workers ang lumapit sa mga ito at nagsabing ‘hostage’ sila sa lugar. Ipinakita rin sa mga pulis ang ilang marka ng torture. Nakuha rin ang ilang torture device na nasa ikaapat na palapag ng gusali.
Isa naman sa mga biktimang Chinese ang nagsabi na kinidnap siya at ibinenta sa halagang P500,000 limang buwan na ang nakalilipas mula sa isa pang nagsasagawa ng operasyon ng POGO.
Pinagtatrabaho rin umano ang mga empleyado roon ng hanggang 15 oras.
Pitong biktima ng human trafficking na mga Pinay ang na-rescue ng awtoridad.
Haharap ang mga may-ari ng POGO ng reklamo at inihahanda na ito ng DOJ, ayon kay Remulla.