KASADO na ang manhunt ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa ina ng limang batang magkakapatid na umano’y ibinugaw sa isang dayuhan sa bayan ng Palo sa lalawigan ng Leyte.
Sa ulat ng NBI Human Trafficking Division, nasagip ang mga biktima (edad 6, 9, 10, 13 at 16) mula sa sexual exploitation ng isang Austrian national batay sa impormasyong ibinahagi ng Criminal Intelligence Service ng Austria hinggil sa sexual exploitation.
Natuklasan umano ng Austrian Police na isang Pinay na WhatsApp user ang nagsu supply ng mga paslit na ginagamit sa online sexual abuse.
Lumitaw din sa pagsisiyasat na ang mismong ina ng mga menor-de-edad ang tumatanggap ng suportang pinansyal mula sa Austrian national, batay na rin sa chat logs at digital evidence na nakita sa mobile phone ng dayuhan.
Nadiskubre pa sa digital evidence na ang ina ng mga bata ay nakarelasyon ng suspek at habang wala ang ina ay inaabuso ng sekswal ng nasabing dayuhan.
