BUKOD sa taos-pusong pakikiramay, tulong-pinansyal na lang ang tanging maibibigay ng Philippine Army sa pitong sundalong namatay matapos maghuramentado ang isa nilang kasama sa loob ng Camp Evangelista sa Cagayan de Oro City kamakailan.
Pebrero 11 ng madaling araw nang paskin ni Private Jomar Villabito ang barracks kung saan natutulog ang mga kasamahan sundalong miyembro ng 4th Infantry Division at walang sabi-sabing nagpaulan ng bala gamit ang service firearms.
Kabilang sa mga pumanaw sina Sgt. Rogelio Rojo Jr, Corporal Bernard Rodrigo, Pfc Prince Kevin Balaba at Private Joseph Tamayo, Staff Sgt Braulio Macalos Jr. Patay rin ni Villabito na binaril at napatay ng mga rumespondeng kapwa sundalo.
Ayon kay Army Commanding General Lt. Gen. Romeo S. Brawner, Jr., isasailalim ang mga naulilang pamilya ng mga pumanaw na army sa psycho-social therapy, bukod pa sa abuloy at babalikating gastos sa burol at libing ng mga namatay na sundalo.
Maswerte naman nakalusot sa bingit ng kamatayan ang isa pang sundalong nahagip ng balang pinakawalan ni Villabito.
Kasado na rin aniya ang isang internal investigation sa hangaring matukoy ang dahilan sa likod ng insidente. (EDWIN MORENO)