MATAPOS ang tatlong taon ng restriksyon sa mga pagdiriwang bunsod ng banta ng pandemya, balik-sigla ulit ang makulay na Panagbenga Festival sa lungsod na kilala bilang Summer Capital of the Philippines – Baguio City.
Sa unang araw, ng pista, umarangkada ang nasa 20 kalahok tampok ang kanilang katangi-tanging “flots” sa kahabaan ng pamosong Session Road, Harrison Road, Melvin Jones Grandstand at maging sa malawak na Football Field sa City of Pines.
Kabilang sa mga bumida sa makulay na Grand Float Parade ang isang pitong-metrong habang ‘float’ na namumutiktik sa 3,000 bungkos ng bulaklak sa temang ‘phoenix’ na ang pahiwatig ay ang muling pagbangon ng turismo sa lungsod ng Baguio.
Sa mga nakalipas na panahon, milyong turista ang dumadayo sa Panagbenga sa hangaring damhin ang malamig na klima ang at bonggang parada.
Ang Panagbenga ay halaw sa lokal na diyalekto na ang kahulugan ay “panahon ng pamumukadkad.”