ISANG brodkaster na nakabase sa lalawigan ng Nueva Ecija ang hinatulan ‘guilty’ kamakailan ng husgado kaugnay ng kasong libelo na isinampa ng isang kongresista 10 taon na ang nakaraan.
Gayunpaman, multa lang ang sentensyang inilapat ng Cabanatuan City Regional Trial Court laban kay Philip Piccio ng isang istasyon ng radyong pinangangasiwaan ng pamahalaang panlalawigan ng Nueva Ecija.
Paglilinaw ng korte, posibleng makulong ang broadkaster sakaling hindi tumupad sa multang ipinataw ng husgado
Sa desisyon ng Cabanatuan RTC, nanindigan ang korte na ‘malisyoso at walang katotohanan’ ang patutsada ng mamamahayag na minsang tumakbo para sa posisyon ng alkalde laban kay Nueva Ecija 3rd District Rep. Rosanna Vergara.
“It is defamatory against Rep. Vergara inasmuch as it imputes upon her a crime, a defect or circumstance tending to cause her dishonor, discredit and contempt,” sambit sa isang bahagi ng kapasyahan ng nasabing sangay ng hukuman.
“Ang paghatol kay Piccio ay mariing patunay ng iginiit ni Cong. Ria Vergara sa kriminal na gawain ni G. Piccio, at isa na ring testamento na ang ating mga husgado at sistemang pang katarungan ay hindi pinapayagan ang ganitong krimen na maganap nang walang kaparusahan,” sambit naman ni Atty. Dean J.V. Bautista na tumayong abogado ni Vergara,
Bukod sa multa, diskwalipikado na rin si Piccio na lumahok sa anumang halalan sa alinmang posisyon sa pamahalaan.