MALAKI na ang ipinagbago sa pinaiiral na sistema ng kalakalan sa Pilipinas, batay sa pinakahuling pagsusuri ng World Bank sa 139 bansa sa iba’t ibang panig ng mundo.
Katunayan, sumampa na sa ika-43 pwesto ang Pilipinas (mula sa dating ika-60) ang Logistics Performance Index (LPI), na ayon sa World Bank ay bunsod ng mga pagbabago sa polisiya ng gobyerno sa kalakalan.
Bukod sa polisiya, binigyan bentahe ang ipinamalas na sigasig ng Bureau of Customs (BOC) sa pangangasiwa ng mga pagpasok at paglabas ng kargamento sa mga pantalan at paliparan sa 17 rehiyon.
Para sa World Bank, kabilang rin sa ginamit na batayan ang kakayahan ng BOC na pangasiwaan ang dagsa ng mga kargamento, bilis ng ptoseso at mga nailatag na reporma laban sa mga ilegal na kontrabando.
Pasok rin sa panuntunan ng WB ang ‘customs performance, infrastructure, international shipments, logistics competence and equity, timeliness, and tracking and tracing metrics.’
Sa isang pahayag, ikalugod naman ng BOC ang pagkilala ng WB sa pagsisikap ng gobyerno bumangon sa pagkakasadlak ng ekonomiya dulot ng tigil-operasyon ng kalakalan sa kasagsagan ng pandemya.
Isinagawa ng WB ang pagsusuri mula Setyenbre hanggang Nobyembre ng nakaraang taon.
Bahagi ng pagsusuri ng WB ang pananaw ng mga kinapanayam na ‘logistics professionals.’
“The latest results of the World Bank Logistics Performance Index (LPI) prove that the BOC is on the right track as regards trade efficiency. We shall continue these trade facilitation efforts while implementing new measures to maximize the performance of Customs processes,” ayon kay Customs Commissioner Bienvenido Rubio.
Pag-amin ni Rubio, higit na kailangan ipagpatuloy ng kawanihan ang pag-aaral at pagsusuri sa mga umiiral na reglamento para tiyakin makakasabay ang Pilipinas sa iba pang bansa sa larangan ng kalakalan.
Bukas rin aniya ang ahensya sa puna ng mga eksperto para sa ikabubuti ng ekonomiya ng bansa.
Patuloy rin ani Rubio ang pagsisikap ng BOC abutin ang syento-por-syentong ‘digitalization’ sa kalakalang pinangangasiwaan ng kanyang kawanihan.
“We will continue to automate our systems and processes, computerize our work, and modernize our facilities and procedures. We are setting our goals towards the achievement of our priority programs under the guidance of President Ferdinand Marcos Jr.”