
SIBAK sa pwesto at posibleng tuluyang matanggal sa serbisyo ang isang koronel ng Philippine National Police (PNP) na nahuli cam habang sinasaktan ang mga junior police officers gamit ang isang baseball bat.
Sa tulong ng video na hawak ng ABS-CBN News Channel, kinilala ang koronel na si Supt. Alex Dimaculangan ng Cavite Provincial Police Mobile Force.
Buwan ng Setyembre pa umano nangyari ang hazing sa loob ng Camp Francisco Ferma sa Tagaytay City kung saan huli sa akto si Dimaculangan habang pinapalo ng baseball bat ang binti at hita ng mga naka-squat na junior police officers.
The video was shot in secret, the source said, because the rookie policemen initially did not want to speak out in fear that their superiors would not believe them.
Sa isang panayam, inamin ni Senior Supt. Willy Segun na tumatayong hepe ng Cavite Provincial Police Office usap-usapan na sa loob ng kampo ang pananakit ni Dimaculangan pero wala umano siyang magawang aksyon dahil wala naman aniyang nagrereklamo.
“Nagulat ako dun sa video nung unang nakita ko. Immediately nang makita ko yun, kinabukasan ni-relieve ko na siya,” sambit ni Segun sa panayam ng ABS-CBN News.
Katwiran naman umano ni Dimaculangan, hangad lang niyang disiplinahin ang mga bagong pulis — “Paliwanag niya dinidisiplina niya lang yung mga tao dahil sobrang relax. Pero yung the manner na ginawa niya, yung pagdidisiplina, hindi rin katanggap-tanggap.”
Mahigpit na ipinagbabawal sa bisa ng Republic Act 11053 (Anti-Hazing Law) ang anumang uri ng hazing sa bansa.
Sinampahan na rin ng kasong kriminal ang koronel na kasalukuyang nakapiit sa Cavite Provincial Police detention facility.