NAGSAMPA ng halos dalawang dosenang kaso ng cyber libel si Cebu Governor Gwen Garcia laban sa isang doktor dahil sa mga bira laban sa provincial chief executive.
Kinumpirma ni Cebu-based physician Rowena Burden na 20 reklamong cyber libel ang isinampa ni Garcia sa korte.
Gumanti naman ng kontra demanda si Burden ng abuse of power, corruption, at violation of the code of conduct and ethics for public officials laban sa gobernador sa Office of the Ombudsman sa Cebu City ngayong Lunes, October 9.
Nabatid na bago pa man ang pandemic lockdown, numero unong kritiko na ni Garcia si Burden dahil sa mga batas na ipinatupad nito lalo na ang paggamit ng tuob o steam inhalation bilang pangontra sa Covid-19.
Inamin ni Burden na ginamit niya ang kanyang Facebook accout upang tuligsain ang gobernador sa umano’y pang-aabuso ng kapangyarihan.
Sinabi ng abogadong si Inocencia Dela Cerna na ang reklamo ay base sa social media posts na nag-aakusa kay Garcia sa paggamit ng kapangyarihan laban sa mga kritiko nito.
Ibinunyag din ng doktor na may itinatagong relasyon ang gobernador sa hindi pinangalanang aktor.