SAMPU katao ang sugatan nang mahulog ang sinasakyang van sa bangin Linggo ng medaling araw sa Barangay Magsaysay, Quezon.
Kinilala ang mga biktima na sina Ezekiel Atienza, 24, driver, at pasaherong sina Jeremiah Atienza, Alexandra Nicole Atienza, Abigail Atienza, David Brazil, Aaron Matthew Brazil, RR Atienza, Sheryl Ibay, Emil Aranal, and Kevin Saberon.
Nabatid na minamaneho ni Ezekiel ang L-300 van patungong town proper nang magtuloy-tuloy sa bangin galing sa kurbadong bahagi ng kalsada.
Agad isinugod ang mga biktima sa Claro M. Recto District Hospital at patuloy na inoobserbahan.
